
Magaling! Magaling! Magaling! Isang tagumpay matapos ng matagal na paghihintay, pagtitiis at pagkainip. Kani-kanina lamang ay ating narinig ang kanya-kanyang sigawan, malakas na palakpakan, dagundong ng yabag ng mga paang nagsitalunan dulot ng labis na kasiyahan.
Malawakang selebrasyon! Ganyan nilang tinawag ang kanina lamang na kaganapan, ang muling pagbabalik ng liwanag ng buhay.
Sino sa inyong kasalukuyang bumabasa ng komposisyong ito ang di naranasang manlimahid sa libag, matuyuan ng pawis, o di kaya naman ay mangapa sa dilim ng dahil sa kawalan ng power supply hatid ng pananamantala... este... pananalanta nitong si Thunder-Basyang?
Sino ba siya/ Siya lang naman ang dakilang gurong nagturo sa bubong ng aming friendly neighborhood kung paano ang tamang paraan ng paglipad at pag-landing na tila baga e trip to nowhereness ang drama. Siya rin ang nagpatumba sa ilang matatayog na puno sa tabi ng kalsada, nanir ng pananim sa bukid ng iilan, panandaling naging kontra-bida ng pigilan kang mapanood ang aking pinaka-aabangang si Trudis Liit na nagdulot din ng pangamba na baka di ko na muli pang masilayan ang may crush sa aking si Bidam na tuluyan na ngang naagaw ng Reynang si Deok-Man at higit sa lahat ay nagulo ang updating schedule ko ng status sa Facebook. Sayang naman! Hindi ko tuloy nai-post na brown-out sa aming lugar.
Subalit kahit na gaano ka-panggulo ang turing mo sa kanya ay nananatiling super hero para sa akin itong si Basyang. Bakit? Simple lang. Siya kasi ang nagligtas sa akin sa draw-lots recutation ni Prof. E sa Politics and Governance. Siya rin ang sumagip sa akin sa napipintong exam, recitation, at interpretation writing sa World literature ng isang propesor na me hawig kay Jordeene.
Si Lola Basyang ang naging dahilan kung bakit kaninang umaga'y di ko na kinailangang gumising pa ng 5:30 para pasukan ang unang klaseng pang 7:30 na wala man lang break hanggang mag-uwian sa ganap na 1:30 ng tanghali.
Thunder Basyang ang pangalan ng bagyong sumandaling naggulo sa sa mundo ng karamihang Pilipino subalit siya namang sumagip sa araw kong ito.

nice!!!bigla kong na appreciate si basyang!
ReplyDeletetama!
ReplyDelete