Wednesday, January 20, 2010

bibili ka na ba ng balut ni Lola?


madalas ko siyang makita... naglalakad sa may kalsada... bitbit ang basket ng mga balot na paninda niya... nahihirapan siya... paano'y tunay ngang mabigat ang kanyang dala...

isang pamilya ang binubuhay niya...
pamilyang may mga miyembrong lulong sa ipinagbabawal na gamot at lango sa mapanlinlang na ispiritu ng alak...
na may kakayahan naman subalit hindi kumikilos ng wasto...
siya si Lola Balut, madalas nasa kalye ng anonas subalit pag sapit ng malalim na gabi'y nasa gilid ng Mercury drug, kapiling pa din ang basket ng balut niya...
sa edad na higit sa sisenta na maaaninag sa kulubot niyang balat... tila hindi na niya kaya...... See More
subalit gayun na lamang marahik ang pagmamahal niya sa sariling pamilya kaya pati ang bagay na ito'y pilit niyang kinakaya.

bibili ka na ba ng balut niya?

No comments:

Post a Comment