
Ever since I was a kid, I’m used to being so disobedient. Kung ano yung gusto nila mama, hindi ko gagawin at kung ano ang ayaw nila, yun yung ginagawa ko. It’s like doing things I want to do for I know that those would somehow satisfy me even if alam ko namang mali yun. REBELIOUS: that would be the right term.
Ang alam ko nun, mahal na mahal ko ang pamilya ko, si mama, si papa, si ate Love, at si Dondon pero ako hindi nila mahal.
Inisip kong ang dahilan ng pagtatrabaho ni papa sa ibang bansa ay para lang kumita ng pera. Ayokong unawain ang sinasabi niyang ginagawa niya yun para sa amin.
Mabait si papa sobrang bait niya kaya ayaw ko siyang mapalayo sa amin, saka lang kasi ako nakakaligtas sa mabigat na kamay ni mama kapag umuuwi siya sa amin minsan sa isang taon. Pag wala siya, bogs! patay ako!
Naranasan ko nang masampal ng kanyang kamay sa tulong ng tsinelas, paluin ng sinturon, arnis, walis tambo o tingting, kahit pa dust pan, patakan ng kandila sa kamay, hampasin ng kaldero’t sangkalan sa ulo’t maitali sa puno ng saging kasama ng nakababata kong kapatid. Masyado raw kaming gala kahit pa tanghaling tapat kaya ayun itinali nga kami at ibinilad sa araw.
Sa tuwing mag-aaway kami ni Dondon at imbyerna si mama, tututukan niya kami ng kutsilyo, aabutan ng itak at sangkalan, magpatayan na lang daw kami para di niya na kami marinig na nag-aaway. Minsan na rin niya akong sinuntok sa mukha dahilan para tumalsik ang noo’y umuuga kong ngipin. Basang-basa ako noon... sa luha, pawis, at sipon, sa sobrang takot ay napa-ihi na rin ako sa shorts, di ko mapigilan ang kangangawa kaya kahit gabing-gabi na noon ay pinalabas niya ko sa pinto at sinabing doon raw ako matulog. Takot na takot ako, huni lang ng mga kuliglig ang naririnig sa paligid at mga nagkakahulang aso, madilim... ngawa ng ngawa, hikbing walang humpay, kumakatok at nagmamakaawa mula sa labas ng pinto... “ma, tama na! Di na po ako uulit! ma... ma- ma sorry na...” take note: I began experiencing these things at age five.
Masakit ang mga palo. Nagpapasa pa nga, dumudugo, nagsusugat at nagpepeklat subalit ang lahat ng ito’y panandalian lamang... naghihilom - nawawala. Sa totoo lang, ang pisikal na sakit ay balewala kumpara sa pusong buhay ngunit patay. Pusong punong-puno ng galit, hinanakit, takot, lungkot at kakulangan... naghahangad sa kahit na kaunting pagmamahal.
Rebelyon! umiral sa akin ang kaisipang iyon musmos pa lamang ako. Sumama ako sa mga kaibigan ko, mga kapit-bahay namin. Pumupunta kami sa sapang nanlilimahid sa rumi, mabaho, at mabasura, KADIRI to make the description shorter, yun e para manghuli ng mga kataba, maliliit na isdang sapa. Ginagawa naming yun kasi masaya kaming pare-parehong nagdudumi kahit pa alam naming na sa pag-uwi naming ay may aksyong mangyayari. Sabay-sabay maghihiyawan sa bawat bahay ng magkaka-ibigan, sabay-sabay kasing papaluin, at sabay sabay mag-sisispag-iyakan.
Natutunan ko ring sumagot ng pabalang kay mama, “e nagtatanong ka e”, sabay sampal. Nangungupit ako. Noong una’y pa-piso-piso lang subalit di nagtagal ay umabot na ito sa daan-daan. Marahil ay itatanong mo kung saan ko dinadala ang pera? Walang iba kundi sa mga kaibigan ko rin. Ililibre ko sila, pati mga classmates ko, though at that time e second grader pa lang ako sa elementarya. Pag may natirang pera, ibabaon ko sa lupa. Bakit? Baka kasi mahuli ako kapag nakita ni mama na marami akong pera sa bulsa. Malas ko nga lang kung di ko na makita kung sang lugar ko ibinaon iyon.
Ngayon, alam mo na ang dahilan kung bakit ako nakaranas ng mga parusang kakaiba mula kay mama. Subalit magkagayun pa ma’y di ko pa rin matanggap ang masasakit niyang parusa, “sana hindi na lang kita naging anak. kanino ka ba kasi nagmana?” madalas na sinasabi niya.
Elementary days: panahong nararanasan ng mga ka-eskwela ko ang magaspang na pag-uugali ko.
Kapag may ayaw ako sa klase, ninenenok ko yung exam paper niya, pupunitin at itatapon sa basurahan, ganun din yung ginagawa ko sa notebooks. Sa tingin ko kasi, walang lugar ang isa pang pasaway sa classroom. Ako lang ang may karapatan mang-bully.
Grade five ako noon nang magsimula akong matuwang makitang umiiyak ang paborito kong biktima. Paano kasi, kahit pa lagi ko siyang inaasar at pinaiiyak, friends pa rin kami. Ako kasi yung tipong tahimik na pasaway. Di mo alam na biktima ka na pala. Nanunungkit kami ng palda ng mga classmates ko, kasalanan nila yun, hubarin ba nama’t iwan sa kung san para lang makapag-ten-twenty. Asus!
Minsan ko na ring napa-tawag ng teacher ko si mama dahil sa sinapak kong kaklase. Kalalaking tao nang-aasar ng babae? Tama bay un? Mataba raw ako? well, totoo naman, kaya lang, pikon ako e, sorry siya. Ako kasi yung tipong malakas mang-asar pero pikon naman.
Nagtayo rin ako ng ghost hunting club. Nagpanggap na nakakakita ng mga bagay na super natural at kunwari’y may kaibigan pang isa, si LITTLE FRIEND. Schoolmates, naaalala niyo pa ba siya?
Masama nga ugali ko diba, kaya grumaduate ako ng elementary na walang kasamang magulang sa entablado kaya mag-isa kong tinanggap ang medalya ko. Bakit? Isang gabi bago ang graduation, naglayas si mama, nag-sway kasi sila ni ate Love DAHIL SA AKIN.
1st year highschool, nagtayo kami ng grupo, tatlo kami, mejo mabait naman kami, sikat na sikat yun noon sa Camarin High School, ang THE SCANDALERS na binubuo ni tokneneng, recwan at ronato. Ang mga mangongotong, at mangingikil, mang-iisa. Nanghihingi ng barya sa mga kapwa estudyante para kunwari ay may maipandagdag sa pambili ng school project pero ang totoo ay ibibili lang naming yun nag miryenda.
Sa yugtong ito ko naranasang humanga, at umibig sa isang tao, sa uring hindi dapat, sa kapwa ko babae. Ang mundo ko’y tila umiikot sa kanya lamang. Masaya, maaliwalas at tila nga nakukumopleto ang aking maghapon sa paaralan sat wing siya’y nasisilayan kahit pa mali. Malungkot. Hindi kaaya-aya ang mga nangyari pagkat sa puso niya’y may nauna ng nanahan. Aray! Aray! Aray! Ang unang pintig ay di man lang napagbigyan.
Nadagdagan ang pamilya, si Gabby, ang bunsong babae. Palagi ko siyang inaaway, inaapi, pinag-iinitan, kapag ayaw tumigil sa kaiiyak ay ikukulong sa kwarto para magtanda. papaluin, panggigigilan at susutilin, sasabihan ng “pangit ka. pangit ka. ayaw kitang maging kapatid. ang pangit mo. Ginagawa ko yun kasi masaya ako pag nakikita kong umiiyak siya. ewn ko nga ba. basta feeling ko, nasa-satisfy ako pag napapaiyak ko siya.
Lumipat ang pamilya namin sa Cavite. Wala ng trabaho si papa. Ang dating saganang buhay ay unti-unting nauupos sa kahirapan. Si papa na noon ay maala-Santa Claus sa laki ng tiyan ay nagmukha ng terorista sa haba ng buhok, goatee, balbas at namayat na katawan.
Sa ganito na lamang ba matatapos ang lahat? Utang dito, utang diyan, ni wala nang maiharap na mukha si mama sa mga kaibigan, minamaliit maski pa ng kamag-anakan? bakit? ano ba ang nagawa naming mali? Dito ko unti-unting naunawaan ang kahulugan ng tahanan, ang pagmamahalan ng pamilya, nagdadamayan, sama-sama kahit pa iwan ng kamundohan.
Naranasan naming kumain ng kamoteng kahoy sa agahan, tanghalian, miryenda, hapunan at maging sa kinabukasan. May pagkakataon ding dahon-dahon na lamang mula sa likod-bahay ng kapitbahay an gaming lalantakan may mailaman lamang sa kumukulong tyan. Pag may ibinigay na ulam ang kapit-bahay at kakaunti lang din naman, magpapaubaya sila mama at at papa, amin ang laman, kanila ang sabaw.
Papasok sa school, kulang ang pera kaya maglalakad na lang minsan pauwi sa layong mula SM Sta.Mesa hanggang LRT Recto Station. Pantanghaliang baon – daing, at minsan masarap – pag nakakapaangutang.
Itinanong ko sa Panginoon, totoo ka ba? bakit kami ganito? galit ka ba samin? sa mga ginawa ko at pinarurusahan Mo ang pamilya ko? Sa totoo lang, noon ko lang yata naranasan ang tumawag sa Diyos.
Nagkaroon ng trabaho ang ate. Siya ang sumusuporta sa amin, sa buong pamilya. Marahil ay ganun pala talaga, tama ang pagpapalaki ni mama sa amin, ayaw ko lang tanggapin na mali ako at tama siya.
Nag-college ako. Pinapili ako ni ate kung saan ko gusto mag-aral, sa Cavite o sa Manila, sa Cavite, accountancy (parusa yun naiisip ko) o sa PUP journalism- ang pangarap ko. Siyempre ang pinili ko dito.
Ang turning point ng buhay ko. Meron akong mga kasama sa kwarto. Mabait naman sila, walang nagbibisyo pero banas na banas talaga ako sa kanila. Paano’y sa tuwing darating sila ng gabi e magsisimula ng umingay at gumulo ang aking mundo. Kantahan ditto, gitarahan dyan, at me sayawan pa... one way-one way daw. Ano ba yan? Asar na asar ako sa kanila. Ang dapat sana’y oras nang pamamahinga ay iniistorbo pa nila. “pagod ako”, “maawa naman kayo hindi lang kayo ang tao rito”, tatahimik sandal pero maya-maya’y maingay na muli.
Minsan may isang prof na nag-invite sa amin sa isang freshmen night- dun na-sense kong churchy ang ambiance. ok! nag-party-party kami. me mga artista na nagtestimony, medyo corny pero ok lang, me sayawan naman eh. Hindi na ako ulit nakabalik doon hanggang isang araw di ko maintindihan sarili ko. I feel so empty that day I searched for ate Tinay and asked her to bring me to that place again. The topic then was OUTRAGEOUS – one song which haunt me as if it searched the void in my heart and filled the emptiness in it.
“Hosanna... Hosanna... Hosanna in the highest... fill my heart and make it clean... open up my eyes to the things unseen... show me how to love like You have loved me...”
Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Iyak ako ng iyak sa dahilang di ko makuhang ipaliwanag., ang alam ko lang, napakagaang sa pakiramdam. Masaya. Masayang-masaya ako sa mga oras na iyon.
Totoong may Diyos, Diyos na buhay. Nagmamahal – kumakatok – naghihintay. Gusto ko pa Siyang makilala. Gusto ko pang higit na lumalim ang relasyon sa Kanya.
Sa tuwing niyayaya ako ng mga dormates ko ay sandamakmak na palusot ang nirarason ko, “subukan ko”, “hahabol ako”, “next time” hanggang sa isang araw ay na-ambush ako. Bungaran ba naman ako ng mga tanong na, “may klase ka pa? - wala na”, “uuwi ka na? – oo”, “anung gagawin mo sa dorm? – matutulog” bogs! na-kidnap ako ni ate Heysel.
First time ko, August nun, special wildsons sa Crossroad 77 sa Convenarium. Lahat sila nagtatakbuhan, late na raw kami. ok. pero di na natin kelangan tumakbo. Late pa rin naman e. Umuwi na kami. Dumaan ang mga araw, ordinaryong mga araw. Naging parang routine na lang sakin ang pag-attend-attend sa mga youth service. I don’t feel any excitement. In fact, quite sometimes I sleep during services lalo na pag ma-wo-word na yung pastors. Pagod kasi ako sa kadalasang workshops na ina-attend-an ko. Every Wednesdays I go to wildsons and on Fridays I’m in Victory.
Sabi ko sa sarili ko, “who am I cheating on?” Hindi na ako na-pa-follow up ni ate Tinay pero itong si ate Lans, di napapagod kahit madalas kong iwasan at madalas na ini-indian. Sige final answer – wildsons. At that time gusting-gusto ko ng mag-wildons and even intrigued on what’s the encounter weekend they are saying pero hindi naging madali para sa akin ang lahat. It made me choose between a dream that had come true and intimacy with God. The way my friends encourage me to go to the encounter, the way they speak of it, nakakabitin, bawal daw kasing ikwento. Sa kabila naman e kailangan umattend sa general assemble ng teatro, naka-post yun, ang sabi, “To all members, we’ll have a general assembly on Saturday, Ang di makapunta, tigbak na (though not the exact words, still the same thoughts”. What would I choose? Ang pinaghirapang maabot na pangarap o ang pagkakataong ma-encounter ang God? At the end of the day, I chose the latter.
Therefore, if anyone is in Christ he is a new creation; the old has gone, the new has come. -2 Cor. 5:17
After the encounter, wala akong pinagsisihan. I might lose my dream but I gained everything. Walang kabakas-bakas ng kabiguan ng kahapon. Feeling ko lumulutang ako sa ulap sa sobrang saya. I really am a new creation now. Renewed, overwhelmed, transformed, redeemed and forgiven. Who am I to hate anybody? lahat ng nanakit sakin pinatawad ko na rin. Ang sarap pala ng pakiramdam nang wala kang ka-galit, ng pakiramdam ng may bagong puso, ballot at puno ng pag-ibig ng tunay na nagmamahal sa akin... I will love people because God loved me first.
Ngayon, si mama, nakakilala na rin sa Panginoon. Dininig ng Lord ang panalangin ko noon, na kung kinakailangang bigyan ng malaking problema ang pamilya gawin Niya, para lang makakilala si mama. Kundi pa sila muntik na maghiwalay, naku, palaging aawayin ni mama si papa. ngayon super peace na sa bahay. Si Gabby, nasa Sunday school, si mama’t papa nagse-serve, si Dondon, tumutugtog sa church, ako isang nag-seserve na rin... si ate Love na lang ang kulang. Well, malapit na rin yan. hehe
God sometimes allow us experience the worst situations to make us realize how vain life is without Him, how miserable it is if not for Him. God loves us. We have no right to question that, proven na yun, 2000 years ago, the question here is, ikaw, mahal mo ba ang Lord? Gaano? Paano?
If what you have now is not from God, it’s too easy to determine, it’ll conflict with your time, compromise your faith and will not glorify His name, if so, then, take it off your life now.
With God sometimes, you have to give up the good things you have on your hands to have what’s great. Men, we know the good but He knows the best. He died for you and for me. His lost, our gain, loving us so unconditionally, giving us second, third, fourth, fifth and even up to millions of chances to experience life with Him.
Now, God is knocking at your heart. Will you let Him in?
He has already changed my life, He can also change yours. You still have chance. No matter what your situation is right now. Even worse than mine before, God loves you no matter what, just open the door and let him be the Lord of your life.



pamilyang may mga miyembrong lulong sa ipinagbabawal na gamot at lango sa mapanlinlang na ispiritu ng alak...
na may kakayahan naman subalit hindi kumikilos ng wasto...
siya si Lola Balut, madalas nasa kalye ng anonas subalit pag sapit ng malalim na gabi'y nasa gilid ng Mercury drug, kapiling pa din ang basket ng balut niya...
sa edad na higit sa sisenta na maaaninag sa kulubot niyang balat... tila hindi na niya kaya...... See More
subalit gayun na lamang marahik ang pagmamahal niya sa sariling pamilya kaya pati ang bagay na ito'y pilit niyang kinakaya.
bibili ka na ba ng balut niya?